^

Probinsiya

Trike vs bus: 2 patay, 3 kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao ang sumalubong kay kamatayan habang tatlo naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang sumalpok ang traysikel sa kasalubong na pampasaherong bus sa one-way traffic sa kinukumpuning highway sa Barangay Sinamar Norte, bayan ng San Mateo, Isabela kahapon ng madaling araw.?

Kinilala ni P/Supt. Julio Go, ang dalawang namatay na sina Bel Baltazar, 59, dri­ver ng trike at Robert Dizon.?

Hindi kaagad nakuha ang pangalan ng tatlo pang pasahero ni Baltazar na sinasabing nagkabali-bali pa ang mga buto nang salpukin ang Dangwa Bus patungong Tabuk City dakong alas-3:15 ng madaling araw.?

Lumalabas sa imbestigasyon na inabot ng mada­ling araw ang mga biktima sa pagdalo ng Bible session sa bayan ng San Mateo.?

Pinaniniwalaang inantok si Baltazar habang nagmamaneho ng traysikel kung saan nabangga pa nito ang barikada ng kinukumpuning highway at salubungin ang bus na minamaneho ni Ryan Antero.

Sumuko naman si Antero sa pulisya habang napilitang ibaba ng kundoktor ang mga pasahero na mula pa sa Baguio City matapos maimpound ang kanilang bus sa presinto.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGUIO CITY

BALTAZAR

BARANGAY SINAMAR NORTE

BEL BALTAZAR

DANGWA BUS

JULIO GO

ROBERT DIZON

RYAN ANTERO

SAN MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with