^

Probinsiya

5 magkakamag-anak minasaker sa bahay

Rhoderick Beñez at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Magkakasunod na minasaker ang limang magkakamag-anak kabilang ang tatlong bata matapos pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan sa loob ng kanilang bahay sa Purok 1, Barangay Ugalingan sa bayan ng Carmen, North Cotabato noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga napatay na sina Ebrahim Agal, 50; Sara Agal, 9; Pama Agal, 10; Mustafa Agal, 12; at Mohamed Agal, 18.

Naisugod naman sa Kidapawan Specialist Hospital  at Cotabato Provincial Hospital sina Jerry Liposil, 42; Nasrudin Agal, 9; at si Maki Agal.

Nabatid na ang mga batang biktima ay mag-aaral ng Lumayong High School.

Nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan sina Mojani Agal, 3; lola na si Lipusin Agal, 63; at si Anida Agal.

Sa impormasyon mula kay P/Chief Insp. Bernard Tayong, spokesman ng North Cotabato PNP, walang habas na pinagbabaril ang mga biktimang natutulog sa loob ng bahay na malapit sa ilog.

Sa pahayag ni Chairman Bong Bacana ng Barangay Kayaga sa bayan ng Kabacan, ang mga biktima ay residente ng Sitio Lumayong nang harasin ng mga armadong kalalakihan kaya napilitang lumipat sa nasabing barangay.

Pinaniniwalaang may malalim na alitan ang mga biktima at grupo ng kala­lakihan kaya isinagawa ang pamamaslang.

vuukle comment

AGAL

ANG

ANIDA AGAL

BARANGAY KAYAGA

BARANGAY UGALINGAN

BERNARD TAYONG

CHAIRMAN BONG BACANA

CHIEF INSP

COTABATO PROVINCIAL HOSPITAL

EBRAHIM AGAL

NORTH COTABATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with