^

Probinsiya

Bus vs bus: 2 patay, 37 sugatan

Raymund Catindig at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao ang sinalubong ni kamatayan habang 37 naman ang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang pampasaherong bus sa kahabaan ng national highway sa Barangay  Bulbulala sa bayan ng Santiago, Ilocos Sur noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Nestor Felix ang mga namatay na sina Senior Fire Officer 1 Jenny Rose Ca­daos, 33, ng BFP Caoayan at Reynaldo Pineda, 49, na sinasabing sumabit lamang sa bus upang maglako ng kakanin.

Sina Cadaos at Pineda ay mga pasahero ng Partas Bus (AWC-971) na minamaneho ni Joy Jobert Brioso, 39.

Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol sa manibela si Brioso matapos itong sumalpok sa puno ng suha sa kabilang lane ng highway nang pumutok ang isa nitong gulong sa harapan dakong alas-8:30 ng gabi. ?

Hindi naman naiwasan ng drayber ng Redval Bus (AWC– 969) na si Sonny Galano kaya sumalpok sa nakabalandrang Partas Bus. ?

Kasama ni Galano na naisugod sa iba’t-ibang hospital sa Candon City ang guro ng 17 estudyante ng St. Joseph Institute ng Candon na si Jessie Asuncion, 24.?

Naisugod din sa paga­mutan ang iba pang pasahero ng Partas na si SFO1 Benjamin Lopez, 41; Erwin Quilana, 38; Fredelino Raquel, 59; at 17 pang pasahero.

Sumuko naman ang driver ng Partas na si Brioso sa pulisya matapos ang insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BENJAMIN LOPEZ

BRIOSO

CANDON CITY

ERWIN QUILANA

FREDELINO RAQUEL

ILOCOS SUR

JENNY ROSE CA

JESSIE ASUNCION

PARTAS BUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with