^

Probinsiya

Naingayan sa videoke Mag-ina pinagsasaksak ng kapitbahay, 1 patay!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines – Dahil sa ingay ng tugtog ng videoke, isang ina ang napatay ng naburyong na kapitbahay habang sugatan ang anak nitong binata matapos ang mainitang pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City.

Kinilala ni Police Supt Joseph Reyes, hepe ng pulisya, ang mga biktima na si Neria Recilla 48, na namatay habang ginagamot sa ospital bunsod ng tama ng patalim sa dibdib at ang su­gatang anak na si Elpidio Recilla, 27, kapwa residente ng Blk 70 Lot 36 Zone 8 Bautista Property, Brgy.  Sanpaloc 4 ng lungsod na ito.

Agad namang nasukol ng mga opisyal ng barangay at pulisya ang suspek na si Diogenes Salaudin, 63, may-asawa.

Sa ulat ni PO3 Armando Perez, alas 6:00 ng gabi habang masayang nagbi-videoke ang mag-ina kasama ang iba pang kamag-anak sa kanilang bahay nang sumugod ang iritableng suspek at sinita sila na nakakaistorbo at masyadong malakas ang kanilang tugtog. Dito nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng suspek at ng mga biktima hanggang sa kumuha ng patalim ang suspek at sinugod ang mag-ina at pinagsasaksak.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARMANDO PEREZ

ATILDE

BAUTISTA PROPERTY

BRGY

DAHIL

DIOGENES SALAUDIN

ELPIDIO RECILLA

NERIA RECILLA

POLICE SUPT JOSEPH REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with