^

Probinsiya

Dalaga ni-rape slay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines – Isang hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang patay at hubo’t hubad sa damuhan na hinihinalang ginahasa rin ng mga hindi kilalang salarin sa Brgy. Toledo, Silang, sa lalawigan kamakalawa

Ang biktima ay tinatayang  nasa edad 22-30, may tattoo na puso na may letrang M sa kanang kamay at flower tatoo sa kaliwang kamay.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Carlito Jimeno, alas-6:30 ng umaga nang i-report ng barangay capatain ng nasabing lugar ang pagkakatagpo sa isang babae na wala ng buhay, duguan at hubo’t hubad.

Isang Arsenio Evangelista, construction worker ang unang nakakita sa katawan ng biktima na tadtad ng saksak sa likod at nakadapa sa damuhan.

Ipinalalagay na ginahasa ang biktima bago pinaslang sa nasabing lugar. Sa kabila nito, hinihintay pa ng pulisya ang medico legal ng biktima upang matiyak na siya ay hinalay.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BABAE

BIKTIMA

BRGY

CARLITO JIMENO

DAMUHAN

IPINALALAGAY

ISANG

ISANG ARSENIO EVANGELISTA

SILANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with