^

Probinsiya

Sekyu at magsasaka itinumba

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Dalawang katao kabilang na ang isang sekyu at isang magsasaka ang binaril at napatay sa magkahiwalay na lugar sa Batangas City, kahapon.

Unang napatay ang sekyu na si Victor Basco, 40, security guard ng Mandarin Security Agency at residente ng Brgy. Sta. Clara, Batangas City matapos na makaalitan niya ang isang hindi pa kilalang vendor dakong alas-12:15 ng tanghali.

Nagpambuno ang dalawa hanggang sa maagaw ng vendor ang baril ng biktima at pinagbabaril ito sa dibdib na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Patay din ang 48-anyos na magsasaka na si Juan Magnaye matapos barilin ng kapwa niya magsasaka noong Martes ng gabi.

Nag-iinuman ang biktima at suspek na si Nilo Javier sa may Brgy. Sto. Domingo nang magkaroon ng pagtatalo nang biglang bumunot ng baril ang huli at binaril ang una sa katawan na agad nitong ikinasawi.

vuukle comment

ANG

BATANGAS CITY

BRGY

CLARA

DALAWANG

DOMINGO

JUAN MAGNAYE

MANDARIN SECURITY AGENCY

NAGPAMBUNO

NILO JAVIER

VICTOR BASCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with