^

Probinsiya

Gang leader utas sa engkuwentro

Pilipino Star Ngayon

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines – Patay ang isang lalaki na hinihinalang gang leader nang maka-eng­kwentro ng pulisya sa Brgy Magliman. San Fernando City noong Huwebes ng madaling-araw.

Sa report ni P/Supt Jean Fajardo, hepe ng San Fernando PNP sa tanggapan ni P/SUPT Rudy Lacadin PNP Regional Director, kinilala ang suspek na si Mark David alyas Macmac, ng Brgy. San Isidro, nasabing lungsod.

Dakong alas-4:00 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang pulisya at poseur buyer.  Habang nakatayo sa madi­lim na bahagi ang suspek kasama ang isa pang lalaki  nang makatunog sa mga ope­ratiba. Bumunot umano ng baril ang suspek subalit pinaputukan agad ng mga pulis hanggang sa magkapa­litan ng putok na ikinabulagta ng isa. Nakatakas naman ang isang suspek.

Sangkot umano ang napatay sa mga serye ng holdapan at pagnanakaw ng mga motorsiklo at pagtutulak ng droga na nag-o-operate sa mga kalapit na bayan sa lalawigan ng Pampanga.

Narekober ng SOCO sa lugar ang isang cal .38 pistol,  tatlong bala, apat na empty shell ng cal .9mm, kasama sa pag-iingat nito ang dalawang medium plastic heat sealed sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

BRGY MAGLIMAN

MARK DAVID

REGIONAL DIRECTOR

RUDY LACADIN

SAN FERNANDO

SAN FERNANDO CITY

SAN ISIDRO

SUPT JEAN FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with