^

Probinsiya

Rapist ng dalagita, arestado

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Anumang araw mula ngayon ay ililipat na sa Maguindanao Provincial Jail ang 37-anyos na lalaki na sinasabing gumahasa sa 16-anyos na dalagita sa bayan ng North Upi sa Maguindanao, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Gerry Avila, may-asawa at nakatira sa Barangay Bungabungan sa nasabing bayan. Batay sa binitiwang salaysay ng biktima, napagkasunduan nila ng kanyang boyfriend na makitulog sa bahay ng kanyang bayaw na lalaki hanggang sa mag-inuman ang mga ito. Gayon pa man, nang malasing ang kasintahan ng biktima ay dito na isinagawa ng suspek ang maitim na balak. Ayon kay P/Senior Insp. Merly Glemao ng Upi PNP, agad na ipinaabot ng biktima sa himpilan ng pulisya ang naganap na insidente kaya naaresto ang suspek.

 

vuukle comment

ANG

ANUMANG

AYON

BARANGAY BUNGABUNGAN

BATAY

GAYON

GERRY AVILA

MAGUINDANAO PROVINCIAL JAIL

MERLY GLEMAO

NORTH UPI

SENIOR INSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with