^

Probinsiya

Babae ni-rape slay ng adik

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang di-kilalang babae matapos itong halayin ay binasag pa ang ulo saka sinaksak ng hindi kilalang la­laki na pinaniniwalaang lango sa droga kamakalawa ng gabi sa Barangay Bahay Pare, Meycauayan City, Bulacan.

Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ng biktima na may edad 20 hanggang 22, may taas na 5’ hanggang 5’2 talampakan, morena, naka-itim na t-shirt na may nakatatak na “my boyfriend love me,” nakaputing short pants at naka-sandals.

Ayon kay PO2 Eric Urtua, natagpuan ang bangkay ng biktima sa may 13-talampakang lalim na bahagi ng tri-boundary ng Meycauayan-Caloocan City bandang alas-6 ng gabi.

Sa pagsusuri ng mga tauhan ng pulisya, may pala­tandaang hinalay muna ang biktima saka sinaksak at binagsakan ng bato sa mukha kung saan narekober sa crime scene ang duguang screw driver na sinasabing ginamit sa krimen.

Samantala, palaisipan naman sa mga opisyal ng barangay sa ginawang aksyon ng mga tauhan ng Caloocan City PNP na unang rumisponde sa crime scene saka biglang umalis matapos na mapag-alamang hindi nila sakop ang nasabing lugar kung saan hindi na pinaalam sa Bulacan Provincial Police Office.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BARANGAY BAHAY PARE

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

CALOOCAN CITY

ERIC URTUA

KALUNUS

MEYCAUAYAN CITY

MEYCAUAYAN-CALOOCAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with