^

Probinsiya

Gasoline boy todas sa mga holdaper

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE , Philippines – Patay ang isang 21-anyos na gasoline boy matapos pukpukin ng matigas na bagay sa ulo ng mga hinihinalang holdaper na umatake sa binabantayang gasoline station ng biktima Bagasbas Road, Brgy Borabod, Daet kamakalawa ng madaling araw.

Namatay habang ginagamot sa Bicol Medical Center sa Naga, Camarines Sur  ang biktimang si Jasper Flores, cashier/gasoline boy sa Byahero Gasoline Station dahil sa tinamong ma­tinding sugat sa ulo mula sa mga hindi kilalang holdaper.

Dakong alas-3:30 ng madaling araw nang makita ng mga nagrorondang tanod ang nakahandusay at duguang biktima. 

Inaalam pa ng mga awtoridad kung magkano ang natangay na pera na kinita ng istasyon ng mga holdaper.

Nauna rito, hinoldap din ang nasabing gasolinahan subalit sa kabila nito, hindi parin nilagyan ng may-ari ng security guard at CCTV ang nasabing gasolinahan kung kaya’t muling naulit ang panghoholdap na ikinamatay ng biktima.

Napag-alaman na pi­nag­hahandaan pa naman ng biktima ang kanyang kaarawan kahapon subalit napalitan ng pagluluksa ng kanyang pamil­ya na humihingi ngayon ng hustisya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGASBAS ROAD

BICOL MEDICAL CENTER

BRGY BORABOD

BYAHERO GASOLINE STATION

CAMARINES SUR

DAET

DAKONG

INAALAM

JASPER FLORES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with