^

Probinsiya

3 senglot binistay ng bala ni tserman

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Tatlong katao ang bumulagta habang nag-iinuman sa isang outpost ng tanod matapos ratratin ng isang barangay chairman at umano’y kilabot na killer sa Brgy. San Vicente, San Pablo, Isabela kamakalawa. ?

Sa report kay Isabela Police Director Sr. Supt Amorsolo Dela Cruz, kinilala ang mga napatay na sina Benedict Crisologo na sinasabing target talaga sa krimen at ang dalawang dumayo upang makipag­inuman na sina Jerby Cureg at Tony Balabbo,  ng Sto. Tomas.

Sinabi ni Dela Cruz na nadakip sa isang follow up operation matapos ang krimen ang suspek na si Chairman Domingo Viernes Jr. habang pinaghahanap ang mga umano’y mga kasabwat nitong sina Alberto Marcelino at Manning Taggueg na nasangkot na rin sa ibang kaso ng pagpatay sa nasabing bayan. ?

Ayon sa report, si Vier­nes ang itinuturo ng mga nakasaksi na isa sa mga umatake sa inuman ng mga biktima gamit ang M16 at shotgun.?

Sa tala ng pulisya, ang pinaghahanap na si Taggueg na nasangkot sa pagpatay sa dating chairman ng San Vicente na si Victor Soriano na pinalitan ni Viernes. ?Si Soriano ay niratrat habang isinasayaw ang misis sa isang sayawan ng kapistahan sa kanilang lugar noong Enero 2013. Itinuturo rin si Taggueg ng dalawang paslit na anak ni Randy Bautista na kinatay sa nasabi rin lugar ng parehong taon.

vuukle comment

ACIRC

ALBERTO MARCELINO

ANG

BENEDICT CRISOLOGO

CHAIRMAN DOMINGO VIERNES JR.

DELA CRUZ

ISABELA POLICE DIRECTOR SR. SUPT AMORSOLO DELA CRUZ

JERBY CUREG

MANNING TAGGUEG

RANDY BAUTISTA

SAN VICENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with