^

Probinsiya

3 bata nilamon ng ilog

Pilipino Star Ngayon

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa tatlong bata matapos itong malunod  sa Gugu River sa Barangay Talba, bayan ng Bacolor, Pampanga noong Martes ng hapon. Sa police report na ipinaabot kay P/Chief Supt. Rudy Lacadin, police regional director, kinilala ang mga biktima na sina Nicole Fuentes, 7; Jomar Canyabano, 5; at si Marjorie Canyabano, 3, mga nakatira sa nasabing barangay. Nabatid na nagkayayaan ang mga biktima na maligo sa nasabing ilog kung saan napadako sa malalim na bahagi kaya magkakasabay na nilamon ng tubig. Bandang alas-3 ng hapon nang matagpuan ng mga opisyal ng barangay ang tatlo na nakalutang na sa ilog. Sa pag-aakalang mabubuhay ay isinugod pa  sa pinakamalapit na ospital subalit idineklarang patay. Nangako naman ang mga opisyal ng barangay na bibigyan ng tulong pinansyal ang mga magulang ng mga bata.

vuukle comment

ANG

BACOLOR

BANDANG

BARANGAY TALBA

CHIEF SUPT

GUGU RIVER

JOMAR CANYABANO

MARJORIE CANYABANO

MGA

NICOLE FUENTES

RUDY LACADIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with