^

Probinsiya

Kano tiklo sa pambu-bully sa pulis

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalaboso ang 26-an­yos na pasaway na Kano matapos itong masangkot sa pambu-bully, pambabastos at tangkang pa­nununtok sa bagitong pulis na sumita sa kanya habang nagmamaneho ng motorsiklo sa bayan ng Buhi, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang suspek na si Kenneth Scheneider, pansamantalang naninirahan sa Barangay San Jose Baybayon.

Naganap ang insidente habang abala ang mga operatiba sa pagpapatupad ng Oplan Sita sa Barangay San Pedro.

Nabatid na sinita ni PO1 Junar Nachor ang suspek at ka-live-in na si Gessele Asetre dahil sa pagmamaneho ng walang helmet.

Agad na inisyuhan ni PO1 Nachor ng citation ticket ang magka-live-in subalit binully ito ng Kano, pinunit ang citation ticket at itinapon kung saan tinangka pa nitong sapakin ang pulis.

Napigilan naman ang suspek ng ka-live-in na Pinay kung saan agad namang isinailalim ng pulisya sa kustodya ang nasabing dayuhan na ngayon ay nahaharap sa kasong direct assault upon an agent in authority.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY SAN JOSE BAYBAYON

BARANGAY SAN PEDRO

CAMARINES SUR

CAMP CRAME

GESSELE ASETRE

JUNAR NACHOR

KANO

KENNETH SCHENEIDER

OPLAN SITA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with