^

Probinsiya

Barangay secretary itinumba ng tandem

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

STA. ROSA, Nueva Ecija, Philippines – Patay noon din ang isang 59-anyos na kalihim ng barangay matapos na pagbabarilin ng dalawang suspek sa  Sta. Rosa – Tarlac Road, Purok 6, Barangay Rajal Centro, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Cecilio Ubaldo, barangay secretary ng Barangay Rajal Centro, may-asawa ng Purok 5 ng nasabing barangay dahil sa mga tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at katawan.

Sa imbestigasyon, dakong alas-10:00 ng gabi ay galing sa isang inuman ang biktima at pauwi na ito sa kanilang bahay sakay ng kulay asul na Euro motorcycle at pagdating sa nasabing lugar ay sumulpot ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo at malapitan itong pinagbabaril.

Nang masigurong patay na ang biktima ay agad na nagsitakas ang dalawang suspek patungo sa direksiyon ng bayan ng Zaragoza, Nueva Ecija.

 

vuukle comment

ANG

BARANGAY

BARANGAY RAJAL CENTRO

CECILIO UBALDO

KINILALA

NANG

NUEVA ECIJA

PATAY

PUROK

TARLAC ROAD

ZARAGOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with