Election hotspots, tinukoy
MANILA, Philippines – Tinukoy ng mga awtoridad ang Cotabato City at limang bayan sa Maguindanao bilang areas of immediate concern (election hotspots) kaugnay ng gaganaping May 2016 national elections sa bansa.
Sa inisyal na ulat ng Police Regional Office 12, kabilang sa mga areas of immediate concern sa rehiyon ay ang Cotabato City.
Samantala, tinukoy naman ni Maguindanao Provincial PNP Director P/Senior Supt. Nickson Muksan sa security briefing ng Peace and Order Council ang mga bayan ng Sultan sa Barongis, Rajah Buayan, Sultan Mastura, Datu Unsay at bayan ng Matnog bilang mga hotspots sa halalan.
Sa batayan ng mga awtoridad, itinuturing na hotspots ang isang lugar kapag may matinding banggaan ang mga pulitikong magkakalaban sa halalan na posibleng pagmulan ng pagdanak ng dugo.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng PNP at mga opisyal ng Army’s 6th Infantry Division sa pamumuno ni Major Gen. Edmundo Pangilinan ang kanilang kahandaan para tiyakin ang mapayapa at malinis na halalan.
Nabatid na natatakot ang mga guro na magsilbing Board of Election Inspectors (BOI) sa mga lalawigan bunga ng mga banta ng karahasan.
Inaasahan namang makakalaban ni re-electionist Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu ng Liberal Party si dating Talayan Mayor Datu Ali Midtimbang ng United Nationalist Alliance sa May 2016 national elections.
- Latest