^

Probinsiya

2 bulagta sa P.2-M holdapan

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Dalawa-katao kabilang ang hinoldap na kawani ng pawnshop ang napatay sa naganap na madugong holdapan sa Barangay Muzon, San Jose Del Monte City sa Bulacan kahapon.

Hindi na umabot pa ng buhay matapos isugod sa ospital ang kawani ng Tambunting Pawnshop na si Lyndon Umisal ng Brgy. Punturin, Valenzuela City.

Kinilala naman ang sinasabing isa sa tatlong holdaper base sa narekober na identification card na si Peter Palarisan Jr.,34, ng Phase 7, NHV sa Brgy. Bitungol, Norzagaray, Bulacan.

Samantala, tinutugis naman ang dalawang kasabwat ni Palarisan na bitbit ang malaking halaga na sinikwat kay Umisal.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Charlie Cabradilla,

Pabalik na sa nasabing pawnshop ang biktimang nagmomotorsiklo mula sa pagwi-withdraw ng P.2 mil­yon sa banko nang hara­ngin ng tatlong kalalakihan na lulan ng dalawang motorsiklo.

Gayon pa man, pumalag ang biktima sa naganap na holdap kaya siya binoga sa ulo kung saan natangay ng tatlo ang malaking halaga.

Naipaabot naman  sa himpilan ng pulisya ang naganap na krimen kaya inilatag ang operasyon kaya napatay ang isa sa tatlo pagsapit sa bahagi ng Graceville 1 Subdivision.

Narekober ang cal.38 revolver, limang plastic sachet ng shabu at motorsiklo na may plakang CA-24095.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY MUZON

BRGY

BULACAN

CHARLIE CABRADILLA

LYNDON UMISAL

PETER PALARISAN JR.

SAN JOSE DEL MONTE CITY

TAMBUNTING PAWNSHOP

VALENZUELA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with