^

Probinsiya

Dalaga kinatay ng katiwala

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Brutal na pinatay ang 19-anyos na dalaga matapos itong tadtarin ng saksak ng lalaki na dati nilang katiwala sa Barangay Parada, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng umaga.

Nagtamo ng saksak sa leeg at sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Arlene Santiago, katatapos lamang ng kursong Korean language sa TESDA sa ba­yan ng Guiguinto, Bulacan, at nakatira sa nabanggit na barangay.

Hindi na umabot ng buhay ang biktima matapos itong isugod sa Rogasciano M. Mercado General Hospital.

Samantala, sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, naaresto naman ang suspek na si Timothy Jones P. Padilla, 27, ng Sitio Gubat sa nasabing barangay.

Sa police report na isinumite kay P/Supt. Rodolfo Hernandez, bandang alas-5 ng umaga nang pasukin at pagsasaksakin ng suspek ang biktimang natutulog sa kanyang silid.

Kahit sugatan ay nagawa ng biktima na humingi ng saklolo sa ilang kapitbahay habang tumakas naman ang suspek.

Pinaniniwalaang paghihiganti ang isa sa motibo ng suspek na nagsilbing katiwala ng pamilya Santiago sa loob ng sampung taon bago sibakin sa hindi nabatid na dahilan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARLENE SANTIAGO

BARANGAY PARADA

BULACAN

GUIGUINTO

MERCADO GENERAL HOSPITAL

RODOLFO HERNANDEZ

ROGASCIANO M

SITIO GUBAT

TIMOTHY JONES P

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with