^

Probinsiya

Kano, Pinay gf nangdekwat ng 4 pabango sa mall

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines – Isang American national at ki­nakasamang Pinay ang kap­wa kalaboso matapos na mahuli umano sa akto nang magnakaw ng apat na pabango sa isang mall sa may Bonifacio St. sa lungsod noong Huwebes.

Kinilala ng pulisya ang dinakip na sina Murphy Murray Westein, 58, at Ivy Cindy Escala Buena, 26, ng Sta. Cruz, Laguna. Sila ay nahuling kumuha ng mga body perfumes na nagkakahalaga P700 nang hindi nila binabayaran.

Nabatid na lihim na tiniktikan ng mga watchmen ng mall ang nasabing Amerikano nang itago nito sa kanyang suot na jacket ang mga pabango habang ang kanyang live-in partner ay nagbigay ng pang-kober sa mga kinuhang pabango at mailabas ito sa mall.

Nagtangkang tumakas ang mag-partner palabas ng mall subalit nahuli ng mga security guards si Buena.

Nang dinala sa presinto si Buena, dumating naman ang Amerikano at nagpakilala siyang live-partner ng una sanhi ng kanyang pagkaka-aresto.

Pinagsisigawan at minura pa umano ng nasabing dayuhan ang mga pulis habang siya ay inaaresto sanhi upang madagdagan ang kaso ng dalawa.

vuukle comment

ACIRC

AMERIKANO

ANG

BONIFACIO ST.

BUENA

CRUZ

HUWEBES

ISANG AMERICAN

IVY CINDY ESCALA BUENA

KINILALA

MURPHY MURRAY WESTEIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with