^

Probinsiya

Parak todas sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pulis ang nasawi habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang tambangan ng hindi pa madeterminang bilang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kahapon ng umaga sa bayan ng Cortez, Surigao del Sur.

Kinilala ni Inspector Paul Paden, nakatalaga sa Operations Division  ng Surigao del Sur Police ang nasawing si SPO4 Jesus Labastilla, team leader ng Patrol 101 na nagpapat­rulya sa Purok 5, Brgy. Poblacion, Cortez ng lalawigang ito.

Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang sugatang si PO2 Joy Tiraja, habang nakaligtas ang dalawang kasamang pulis.

Batay sa ulat, bandang alas-9:00 ng umaga ay nagpapatrulya ang apat na pulis sa lugar nang sila ay pagbabarilin ng grupo ng mga rebelde na nasa mataas na bahagi sa lugar.

Nagkaroon ng 15 minutong putukan sa pagitan ng mga pulis at ng mga rebelde na ikinasawi ni SPO4 Labastilla bago nagsitakas patungo sa direksyon ng kagubatan ang mga rebelde.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATAY

BRGY

INSPECTOR PAUL PADEN

JESUS LABASTILLA

JOY TIRAJA

NEW PEOPLE

OPERATIONS DIVISION

SUR POLICE

SURIGAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with