^

Probinsiya

Coed ni-rape, pinatay sa bigti

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 17-anyos na kolehiyala matapos itong halayin ay pinatay pa sa sakal sa loob ng bahay sa Barangay Suba-Masulog sa Lapu-Lapu City, Cebu noong Martes ng umaga.

Kasalukuyang nanganga­lap ng impormasyon ang pulisya sa pagkakakilan ng suspek na pumatay sa biktimang si Karen Kaye Montebon, 1st year college student sa kursong Accountancy sa University of San Carlos at nakatira sa Corinthians Subdivision sa nabanggit na barangay.

Ang katawan ng biktima ay itinago sa ilalim ng kama bago sa binigti ng kable ng kuryente kung saan natag­puan ng kanyang ama mata­pos itong dumating sa bahay mula sa trabaho bandang alas-5:30 ng hapon.

Naniniwala ang mga imbestigador ng pulisya na sinamantala ng suspek na paalis na ang biktima para pumasok sa kolehiyo kung saan ang iba pang miyembro ng pamilya ay umalis ng bahay.

Kinumpirma ng mga doctor sa Mactan Doctors’ Hospital na ang biktima ay hinalay kung saan may bahid ng dugo ang underwear nito.

Nawawala naman ang IPod at kamera ng biktima habang wala pang natutukoy na pangunahing suspek sa krimen subalit natagpuan naman ang pares ng tsi­nelas sa labas ng bahay ng pamilya Montebon. Humi­hingi naman ng hustisya ang mga kaibigan at kapwa estudyante sa nasabing ko­lehiyo ng biktima kung saan ipinakalat na sa social media. Isinalin sa Tagalog ng patnugot

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY SUBA-MASULOG

CEBU

CORINTHIANS SUBDIVISION

HUMI

ISINALIN

KAREN KAYE MONTEBON

LAPU-LAPU

LAPU-LAPU CITY

MACTAN DOCTORS

UNIVERSITY OF SAN CARLOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with