^

Probinsiya

Chikboy nanligaw sa gf ng iba, inutas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napatay ang 55-anyos na tinaguriang playboy matapos itong gulpihin at paluin ng bato sa ulo ng boyfriend ng dalagang nililigawan niya sa Barangay Pogo, bayan ng Mangaldan, Pangasinan noong Lunes ng gabi.

Idineklarang patay sa pagamutan ang biktimang si Reynaldo Ulanday, may ka-live-in  at nakatira sa Barangay Poblacion, bayan ng San Fabian sa nasabing  lalawigan.

Patuloy namang pinag­hahanap ng pulisya ang suspek na si Andrew Ve­lasquez, 26, binata, obrero sa construction firm at residente rin sa nasabing lugar.

Sa ulat ng Pangasinan PNP na isinumite sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong alas-9 ng gabi kung saan kinompronta ng suspek ang biktima kaugnay sa panliligaw nito sa kaniyang girlfriend gayong may ka-live-in partner na ito.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay nagsuntukan ang dalawa hanggang sa mangibabaw ang lakas ng suspek sa biktima kung saan pinukpok pa ng ma­laking tipak ng bato sa ulo.

Nasaksihan naman ng 46-anyos na miyembro ng Civilian Volunteers Organization na si Serafino Sembrana ang naganap na insidente pero mabilis na nakatakas ang suspek.

vuukle comment

ACIRC

ANDREW VE

ANG

BARANGAY POBLACION

BARANGAY POGO

CAMP CRAME

CIVILIAN VOLUNTEERS ORGANIZATION

PANGASINAN

REYNALDO ULANDAY

SAN FABIAN

SERAFINO SEMBRANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with