^

Probinsiya

2 pinabulagta sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Pinabulagta ang dalawang lalaki matapos na pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan sa waiting shed sa Barangay Malagasang 1-D, Imus City, Cavite kahapon ng madaling araw. Kasalukuyang bineberipika ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktimang nakasandong itim, white short pants at may tattoo na bungo sa kanang braso at kaliwang kamay. Samantala, ang ikalawang biktima ay naka-puting tribal t-shirt at marron tribal na short pants, gray na cap at may tattoo rin ito sa dibdib. Sa imbestigasyon ni PO2 Jeremiah Baniasia, magkasamang nakatayo ang dalawa sa waiting shed nang lapitan at ratratin ng mga di-kilalang lalaki bandang alas-2 ng madaling araw. Pinaniniwalaang hindi nakatira sa nabanggit na barangay ang dalawa dahil walang nakakilalang mga residente. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

vuukle comment

ANG

BARANGAY MALAGASANG

CAVITE

IMUS CITY

JEREMIAH BANIASIA

KASALUKUYANG

MGA

NAREKOBER

PINABULAGTA

PINANINIWALAANG

SAMANTALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with