^

Probinsiya

Tandem niratrat ng tandem: 1 patay

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Patay ang isang 32-anyos na lalaki habang sugatan  ang kasama nito matapos na pagbabarilin ng ‘di pa kilalang mga suspek na magka-angkas ng motorsiklo sa Mantawil St., Brgy. Poblacion, Kabacan, Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Kabacan PNP ang namatay na si Lloyd Pascual, may asawa, walang trabaho, residente ng Lambayong Sultan Kudarat, ang kasama nito na kinilalang si Marshall Vallez, 38 anyos, isang magsasaka at residente ng USM Avenue dito sa bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Kabacan PNP, dakong alas-11 ng gabi habang tinatahak ng dalawang biktima ang lugar sakay sa isang motorsiklong Honda XRM, kulay asul, may plakang MA 92926 nang bigla na lamang sumulpot ang mga suspek sakay din ng motorsiklo at saka sila pinagbabaril.

Tama sa ibat-ibang ba­hagi ng katawan ang dahilan ng agarang kamatayan ni Pascual habang masuwerte namang nakaligtas si Vallez na umano’y nanlaban pa ang isa mga suspek. Nagtamo siya ng tama pero nagawa pa niyang makapagtago sa kanal.

Dahil madilim ang lugar, hindi na siya nakita ng mga suspek na mabilis namang tumakas patungong Sitio Lote, Brgy. Kayaga tangay ang kanilang minamanehong motorsiklo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

COTABATO

COTABATO (NORTH)

DAHIL

KABACAN

LAMBAYONG SULTAN KUDARAT

LLOYD PASCUAL

MANTAWIL ST.

MARSHALL VALLEZ

SITIO LOTE

SOCCSKSARGEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with