^

Probinsiya

2 estudyante lasog sa killer truck

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Patay ang dalawang estudyante habang lima naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang salpukin ng truck ang kanilang traysikel sa kahabaan ng highway sa Barangay Gamit, bayan ng Saguday, Quirino kamakalawa. ?

Kinilala ni PO1 Robinson Tabag ang dalawang namatay na sina Kenneth Badil,17; at Shiela Castillo, 13, habang ginagamot sa hospital ang mga sugatang sina Aloha Pukkaw, Hazel Jane Castillo, Judy Claire Sabado, Valerie Ramos, at ang trike driver na si Fony Balogan Reyes.

Ang mga biktima ay estudyante ng Cabarroguis National School of Arts and Trade at Quirino State University. ?

Ayon sa  ulat, pauwi  na ang mga biktimang lulan ng traysikel nang makasalubong sa highway ang dump truck na minamaneho ni Mortimer Tacadena.

Nawalan ng kontrol sa manibela si Tacadena sinalpok ang traysikel ng mga biktima.

Tumilapon ng ilang metro at nagpagulung-gulong sa kalsada ang mga biktima habang inaresto naman ang driver ng truck.

Napag-alamang pag-aari ng kontratistang si Lorenzo Corpuz ang nasabing truck at nakatira sa Barangay Andres Bonifacio sa bayan ng Diffun.

vuukle comment

ALOHA PUKKAW

ANG

BARANGAY ANDRES BONIFACIO

BARANGAY GAMIT

CABARROGUIS NATIONAL SCHOOL OF ARTS AND TRADE

FONY BALOGAN REYES

HAZEL JANE CASTILLO

JUDY CLAIRE SABADO

KENNETH BADIL

LORENZO CORPUZ

MORTIMER TACADENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with