^

Probinsiya

Bus vs trak: 1 utas, 46 sugatan

Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines  – Patay ang isang security guard habang sugatan naman ang 46-katao makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang likuran ng cargo truck sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEx) sa San Pedro, Laguna kahapon ng madaling araw.

Sa ulat na nakarating sa Laguna Provincial Police Office, kinilala ang namatay na si Jonathan Factorin ng Barangay Mamatid sa bayan ng Cabuyao, Laguna.

Lumilitaw na binabagtas ng AB Liner Mandigma na minamaneho ni Benito Antig nang sumalpok ito sa likurang bahagi ng trailer truck na minamaneho naman ni Maylo Batoon.

Nabatid na paparada na sana ang trailer truck sa lay-by ng SLEx nang biglang banggain ng nasabing bus.

Pinabulaanan naman ito ng bus driver na si Antig kung saan sinabi nitong hindi nag-signal ang truck kaya ito nabangga.

Kinontra naman ito ng ilang pasahero ng bus kung saan sinabing nakaidlip ang driver kaya nabangga ang truck.

 

vuukle comment

ANG

ANTIG

BARANGAY MAMATID

BENITO ANTIG

CABUYAO

JONATHAN FACTORIN

LAGUNA PROVINCIAL POLICE OFFICE

LINER MANDIGMA

MAYLO BATOON

SAN PEDRO

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with