^

Probinsiya

Trike vs van: Lolo utas, 5 pa kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Sumalubong kay kamatayan ang 70-an­yos na lolo habang kritikal naman ang lima pang kaanak matapos salpukin ng van ang kanilang sinasakyang traysikel na kuliglig sa kahabaan ng highway sa Barangay Villanueva, San Manuel, Isabela kamakalawa.? Ayon kay P/Senior Insp. Fernando Abugan, hepe ng San Manuel MPS, namatay habang ginagamot sa Ro­xas District Hospital si Lolo Prospero Cabanit habang nakikipagbuno naman kay kamatayan ang misis nitong si Lola Laudemia Cabanit, mga kaanak na sina Rosemarie Reccion, 48; Marilyn Balinbin, 45; Elmie Azuero, 49; at ang operator ng kulig­lig na si Rogie Galasi, 30.?

Nagtamo naman ng galos ang dalawa pang kaanak na sina Charlie Azuero at Kezia Faith Dela Cruz.?

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinalpok ng van (RGK 908) na minamaneho ni Kevin Karl Gentiroy ang likuran ng kuliglig ng mga biktima matapos iwasan ang sinusundang motorsiklo na biglang huminto.

Nabatid na ang Mitsubishi canter van ay pag-aari ng AJRJ Trucking Freight Services Incorporated.

Sa lakas ng impact ay tumilapon at nagpagulung gulong sa highway ang mga biktima.

Sumuko naman ang driver ng van sa pulisya matapos ang sakuna.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY VILLANUEVA

CHARLIE AZUERO

DISTRICT HOSPITAL

ELMIE AZUERO

FERNANDO ABUGAN

KEVIN KARL GENTIROY

KEZIA FAITH DELA CRUZ

LOLA LAUDEMIA CABANIT

SAN MANUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with