^

Probinsiya

Shootout: Lider ng sindikato dedo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Napatay ang 33-anyos na lider ng sindikato matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulis­ya sa Barangay Salcedo 2 sa Noveleta, Cavite kamakalawa ng gabi. Bandang alas-9 ng gabi nang salakayin ng pulisya na armado ng warrant of arrest sa kasong murder ang bahay ng suspek na si Clarito “Ite” Baillo sa nasabing barangay. Gayon pa man, natunugan ng suspek ang papalapit na pangkat ng pulisya kaya sumiklab ang barilan hanggang sa ito ay mapatay. Sugatan naman si PO2 Ronnie Balberan matapos tamaan sa kanang paa. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, narekober ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm pistol at isang cal. 45 pistol. Ayon sa pulisya, si Baillo ay sangkot sa serye ng nakawan at pamamaril sa ilang barangay sa nasabing bayan.

vuukle comment

ACIRC

AYON

BAILLO

BANDANG

BARANGAY SALCEDO

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

CLARITO

GAYON

NAPATAY

RONNIE BALBERAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with