^

Probinsiya

Kuya nalunod, utol nakaligtas

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Patay ang 32-anyos na lalaki habang nakaligtas naman ang kapatid nito matapos tangayin ng malakas na alon habang lumalangoy sa beach resort sa bayan ng Calatagan noong Biyernes ng hapon. Kinilala ni P/Chief Inspector Jose Badilla ang biktima na si Hervyne Gerald Gaoile habang nailigtas naman ang kapatid nitong si Hervyne Gil Gaoile, 27, kapwa nakatira sa Barangay Malanday, Valenzuela City. Base sa police report, nagtungo ang magkapatid na Gaoile sa Burot Beach Resort sa Barangay Tanagan para mag-swimming kahit na masama ang panahon dulot nang habagat mula sa bagyong Ineng. Ayon sa mga nakasaksi, nasagip si Gil matapos magsagawa ng rescue operation ang may-ari ng resort na si Ramon Veciral kasama ang mga security guard nito. Samantala, natagpuan naman ang bangkay ni Gerald kahapon ng umaga habang palutang-lutang sa dagat na may ilang metro ang layo sa nasabing resort.

 

vuukle comment

ANG

AYON

BARANGAY MALANDAY

BARANGAY TANAGAN

BIYERNES

BUROT BEACH RESORT

CHIEF INSPECTOR JOSE BADILLA

HERVYNE GERALD GAOILE

HERVYNE GIL GAOILE

MIMAROPA

RAMON VECIRAL

VALENZUELA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with