^

Probinsiya

Brodkaster itinumba

Joy Cantos, Ed Casulla at Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang 59-anyos na broadcaster  na tumatayo ring  chairman ng Anakpawis matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang kalalakihan kamakalawa ng gabi sa bisinidad ng Barangay Tagdon, bayan ng Barcelona, Sorsogon.

Sa phone interview, kinilala ni P/Supt. Nonito Marquez, spokesman ng Sorsogon PNP Provincial Office ang biktima na si Teodoro “Tio Todoy” Escanilla, blocktimer na broadcaster sa DZMS radio na may programang “Pamana ng Lahi” tuwing Sabado, at tumatayo ring spokesperson ng Karapatan Sorsogon Chapter.

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, naganap ang pamamaslang dakong alas-11:45 kamaka­lawa ng gabi sa mismong bakuran ng bahay ng biktima.

Nabatid na may kausap ang biktima sa labas ng kanilang bahay nang magising at usisain ng kanyang misis na si Eden Escanilla.

Gayon pa man, sumulpot ang isa pang di-kilalang lalaki at pinagbabaril ang biktima hanggang sa bumulagta.

Nagawa pang maisugod sa Sorsogon MMG Hospital ang biktima pero nabigong maisalba dahil sa rami ng mga tama ng bala sa katawan.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng cal. 45 pistol at M16 rifles.

vuukle comment

ACIRC

ANAKPAWIS

ANG

BARANGAY TAGDON

CAMP CRAME

EDEN ESCANILLA

KARAPATAN SORSOGON CHAPTER

NONITO MARQUEZ

PROVINCIAL OFFICE

SORSOGON

TIO TODOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with