^

Probinsiya

Belgian nag-suicide sa kotse

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 54-anyos na Belgian national matapos itong magbaril sa sarili habang nagmamaneho ng kanyang kotse na sumalpok naman sa railing ng kalsada sa national highway ng Barangay Casay sa bayan ng Dalaguete, Cebu noong Sabado ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Andre Josef Emiel Scheepmans, tubong Leuven, Belgium at nakatira sa Hacienda Firenze sa Barangay Maghaway, Ta­lisay City, Cebu.

Ayon kay SPO3 Cleto Pia, si Scheepmans ay patay na nang dumating ang pulisya sa nasabing lugar bandang alas-6 ng gabi.

Nabatid din na si Scheepmans ay nagmamaneho ng kulay pilak na Toyota Innova van (YZW 449) pauwi sa Talisay City mula sa bayan ng Oslob ay sinasabing nagbaril sa ulo.

Hawak pa sa kanang kamay ng biktima ang cal. 22 pistol  na ginamit sa pagpapatiwakal. Kasalukuyang hinihintay ng imbestigador ang resulta ng autopsy para kumpirmahin na nag-suicide nga ang biktima. Isinalin sa Tagalog ng patnugot

 

vuukle comment

ACIRC

ANDRE JOSEF EMIEL SCHEEPMANS

ANG

BARANGAY CASAY

BARANGAY MAGHAWAY

CEBU

CLETO PIA

HACIENDA FIRENZE

SCHEEPMANS

TALISAY CITY

TOYOTA INNOVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with