^

Probinsiya

Mangangahoy dedo sa killer bees

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Patay ang isa sa dalawang mangangahoy matapos atakihin ng libu-libong killer bees sa kagubatan ng Sitio Bual, Barangay Topdac sa bayan ng Atok, Benguet kamakalawa. Sa pahayag ng isang opisyal ng barangay na si Mario Baliwen, natagpuan sa gubat ang namamagang bangkay ni Charlie Mendoza habang natakasan naman ni Romeo Butag ang pag-atake ng mga bubuyog. Samantala, isinugod si Butag sa Baguio City General Hospital and Medical Center matapos itong mawalan ng ulirat dahil na rin sa kamandag ng bubuyog na tinamo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Nabatid na nabulabog ng mga biktima ang bahay ng killer bees matapos nilang buwagin sa punungkahoy na kinalalagyan ng mga bubuyog.

vuukle comment

ATOK

BAGUIO CITY GENERAL HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

BARANGAY TOPDAC

BENGUET

BUTAG

CHARLIE MENDOZA

MARIO BALIWEN

NABATID

PATAY

ROMEO BUTAG

SITIO BUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with