Kagawad, tanod todas sa holdaper
(The Philippine Star) - April 4, 2015 - 10:00am

LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines - Patay ang isang Brgy. Kagawad at kasama nitong tanod makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga holdaper sa naganap na madugong robbery/holdup sa Sitio Riverside Matongaw, Brgy. San Jose, Cataingan, Masbate kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Brgy. Kagawad Serafico Bedrejo Jr., 47-anyos, incumbent Brgy. Kagawad at Brgy. Tanod Edwin Dacay, 49; pawang residente sa Brgy. Matagangtang, Placer, Masbate.

Sa ulat ni Masbate Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Jesus Martirez, dakong alas-11:30 ng umaga nang tamba­ngan ng motorcycle riding-in-tandem ang mga biktima sa nasabing lugar.

Ang mga biktima ay binawian ng buhay sa tinamong mga tama ng bala ng M16 at M 14 rifle. Umaabot naman sa P100,000 ang natangay ng mga suspek sa mga biktima. Ang kaso ay patuloy na iniimbestigahan. (Ed Casulla)

 

ANG BRGY DIRECTOR P ED CASULLA JESUS MARTIREZ KAGAWAD KAGAWAD SERAFICO BEDREJO JR. MASBATE MASBATE PROVINCIAL POLICE OFFICE MGA SAN JOSE
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with