^

Probinsiya

Matandang maglive-in partner kinatay

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng  matandang maglive-in partner na caretaker sa isang farm matapos pagsasaksakin at pagtatagain na halos ikaputol ng kanilang mga ulo sa naganap na krimen sa Purok Sinait, Dagatkidavao, Valencia City, Bukidnon, ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni Inspector Jiselle Longakit, spokesperson ng Bukidnon Police, dakong alas-8 ng umaga nitong Biyernes Santo nang madiskubre ang bangkay ng mga biktima sa kanilang kubo sa farm ng negosyanteng si Robert Donato na kanilang binabantayan.

Kinilala ang nasawing mga biktima na sina Modesto Man-okil, 80-anyos at ang matandang babae na tinukoy lamang sa pangalang Perfecta, tinatayang nasa 80-anyos na rin ang edad.

Ayon sa pahayag ng ilang mga residenteng naninirahan sa bukana ng  nasabing farm, tatlong motorsiklo na sinasakyan ng hindi pa nakikilalang mga kalalakihan ang nakita nilang lumabas sa gate ilang oras bago nadiskubre ang krimen.

Pinaniniwalaan namang pagnanakaw ang motibo ng pamamaslang sa dalawang matanda habang patuloy ang masusing imbestigasyon sa kasong ito. (Joy Cantos)

 

vuukle comment

ANG

AYON

BIYERNES SANTO

BUKIDNON

BUKIDNON POLICE

INSPECTOR JISELLE LONGAKIT

JOY CANTOS

MODESTO MAN

PUROK SINAIT

ROBERT DONATO

VALENCIA CITY

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with