^

Probinsiya

Bangka lumubog: 5 patay, 14 nasagip, 36 pa missing

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umaabot na sa lima katao ang nasawi, 14 ang sugatang nasagip habang 36 pa ang nawawala makaraang aksidenteng lumubog  ang isang pampasaherong bangka sa karagatan ng Sulu noong Huwebes Santo.

 Ayon sa ulat ng Joint Task Group (JTG) Sulu, kasalukuyang naglalayag ang MPB/Wilayza sa karagatan sa pagitan ng mga isla ng Tapul at Pata nang balyahin ng malalaking alon hanggang sa lumubog.

Nabatid na dakong alas-10 ng umaga nang umalis ang bangka sa Jun D Lan Port sa Jolo, Sulu patungong Tapul Island pero dakong alas-8 na ng gabi nang matanggap ni JTG Sulu Commander Col. Allan Arrojado ang report sa insidente.

Karamihan sa mga nasawi ay magkakasunod na natagpuan ang bangkay nitong Biyernes Santo matapos lumutang sa dagat.

Nasa 14 survivors naman ang sugatang nasagip ng rescue team ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard  nitong Huwebes ng gabi matapos na matanggap ang ulat sa lumubog na bangka. Ang iba naman sa mga nakaligtas ay sinasabing nasa  Tapul Island na bagay na kinukumpirma pa ng mga awtoridad.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na overloaded ang bangka na patungo sa Tapul Island  sa dami ng lulan nitong mga pasahero na mahigit sa 50 katao bukod pa sa mga tripulante, construction materials na daang sako ng semento at mga bakal.

vuukle comment

ALLAN ARROJADO

ANG

BIYERNES SANTO

HUWEBES SANTO

JOINT TASK GROUP

JUN D LAN PORT

MGA

NBSP

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE NAVY

TAPUL ISLAND

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with