^

Probinsiya

3 apo ng alkade, kinidnap

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong apo ng alkalde ang kinidnap ng mga armadong kalalakihan sa pamilihang bayan ng Pitogo, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa mga dinukot ay sina Ledegie Tomarong, 17; Ace Jay Garban, 3; at si Zynielle Jay Garban, 2, mga apo ni Pitogo Mayor Richard Garban.

Sa ulat ni P/Inspector Dahlan Samuddin, PNP regional spokesman, naganap ang insidente sa pamilihang bayan bandang alas-5:30 ng hapon.

Sa imbestigasyon, sumulpot ang mga armadong kalalakihang lulan ng dalawang pumpboat na dumaong sa pantalan ng nasabing lugar.

Kaagad na tinungo ang bakeshop ni Chzarenia Sajulga  na tinangka itong kidnapin pero nakatakas matapos na tumakbo sa kaniyang silid  at isinara ang pinto.

Tinangka namang wasakin ng mga suspek ang pinto matapos na pagbabaril sa door knob kaya lumikha ng alarma sa mga tao nang marinig ang mga putok ay kaagad na rumesponde  ang mga operatiba ng pulisya.

Nagkaroon nang habulan kung saan tatlong biktima ang tinangay ng mga suspek na mabilis na tumakas sakay ng pumpbot patungo sa hindi nabatid na direksyon. Joy Cantos

 

vuukle comment

ACE JAY GARBAN

ANG

CHZARENIA SAJULGA

INSPECTOR DAHLAN SAMUDDIN

JOY CANTOS

KAAGAD

KABILANG

LEDEGIE TOMARONG

MGA

PITOGO MAYOR RICHARD GARBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with