^

Probinsiya

6 arestado sa buy-bust

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng anim-katao na sinasabing notoryus na mga tulak ng droga makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Caingin, bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Rosalie “Lola” De Jesus, 41; Cesar Hilado, 38; Danilo De Jesus, 49; Jonathan San Luis, 24, ng Brgy. Bunducan, Bocaue; Roderick Suyom, 44; at si Oliva Tupaz, 43, ng San Simon, Pampanga. Sa police report na isinumite kay P/Supt. Ganaban Ali, ang mga suspek ay nasakote sa bahay ni Rosalie kung saan nasamsam ang P 2,000 halaga ng shabu, digital weighing scale, mga drug paraphernalia at ang P500 marked money na ginamit sa operasyon. Ayon sa pulisya, si Rosalie ay nasakote noong Oktubre 2014 dahil na rin sa pagtutulak ng bawal na droga subalit nakatakas sa hindi nabatid na dahilan.

vuukle comment

BARANGAY CAINGIN

BOCAUE

CESAR HILADO

DANILO DE JESUS

DE JESUS

GANABAN ALI

JONATHAN SAN LUIS

OLIVA TUPAZ

RODERICK SUYOM

ROSALIE

SAN SIMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with