^

Probinsiya

Buntis pinilahan ng mag-utol

Pilipino Star Ngayon

CEBU CITY, Philippines – Masaklap na kapalaran ang sinapit ng 34-anyos na misis na buntis matapos itong pilahan ng mag-utol na manyakis sa Naga City, Cebu noong Linggo ng gabi.

Sa police report na isi­numite kay P/Supt. Brindo Nacario, hepe ng Naga City PNP, nag-iisa ang biktima sa kanyang bahay kasama ang dalawang anak na bata nang pasukin ng mag-utol na sina Leonardo Labrado, 38; at Nelson Labrado, 26.

Ayon kay PO3 Darwin Melodia, nagising ang biktima dahil sa ginagawa ng mga suspek sa kanyang katawan kung saan nagkataon namang wala ang kanyang mister na nagtatrabaho bilang  karpintero sa Cebu City.

Hindi nakapalag ang biktima sa maitim na balak ng mag-utol dahil tinutukan ito ng baril at nagbantang papatayin ang dalawang anak kapag nag-ingay.

Tumakas ang mga suspek na kapitbahay ng biktima subalit nasakote matapos humingi ng tulong sa himpilan ng pulisya.

Nabatid na ang biktima kasama ang kanyang asawa’t mga anak ay lumipat sa nasabing lungsod mula sa Mindanao nitong nakalipas na anim na buwan para maghanap ng bagong kapalaran. Freeman News Service

vuukle comment

AYON

BRINDO NACARIO

CEBU

CEBU CITY

DARWIN MELODIA

FREEMAN NEWS SERVICE

LEONARDO LABRADO

NAGA CITY

NELSON LABRADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with