^

Probinsiya

Magsasaka inakalang kawatan, kinatay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Nagmistulang kinatay na hayop ang katawan ng 63-anyos na magsasaka makaraang pagtatagain hanggang mapatay ng kanyang kaibigang kapitbahay nang mapagkamalan itong magnanakaw kamakalawa ng madaling araw sa Sitio Parang, Barangay Rizal sa bayan ng San Narciso, Quezon. Ang biktima na nagtamo ng mga taga sa braso, mukha at halos humiwalay na ang ulo sa leeg ay kinilalang si Bienvenido Carmen habang sumuko naman sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Narciso Dondriano, 62. Sa im­bestigasyon ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling araw ay natutulog sa kubo ang suspek nang magising ito sa mga kaluskos sa labas ng bahay.  Maya-maya ay may nagbukas ng pintuan ng kanyang kubo kung kaya kumuha ito ng gulok at pagpasok ng biktima ay agad nitong pinagtataga. Gayon na lamang ang pagkagitla ng suspek nang mapagtanto na ang kanyang napatay ay ang kaibigang matalik.

vuukle comment

BARANGAY RIZAL

BIENVENIDO CARMEN

GAYON

KANYANG

NAGMISTULANG

NARCISO DONDRIANO

QUEZON

SAN NARCISO

SITIO PARANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with