^

Probinsiya

2 kidnaper utas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napaslang ang dalawang kidnaper na miyembro ng Abu Sayyaf Group matapos ang matagum­pay na operasyon ng mga awtoridad kung saan nasagip ang isang negos­yante sa Malamawi Island, Isabela City, Basilan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Captain Rowena Muyuela, spokesperson ng Army’s regional command ang nasagip na negosyante na si Ramon Sanson, may-ari ng convenience store na nagba-buy and sell ng kopra.

Bandang alas-6:30 ng gabi nang dukutin ng mga armadong  kalalakihang naka-uniporme ng pulis ang biktima sa bahay nito sa Barangay Sta. Barbara.

Agad namang rumes­ponde ang pinagsanib na elemento ng PNP-Special Action Force at miyembro ng Cafgu kung saan sumiklab ang bakbakan.

Habang itinatakas ang biktima na kinakaladkad pasakay sana sa pumpboat ay nataranta ang mga kidnaper  sa putukan kung saan tinulungan naman ng mga opisyal ng barangay ang biktima na makatakas.

Sa palitan ng putok na tumagal ng mahigit dalawang minuto ay dalawa sa mga kidnaper ang napatay habang nakatakas naman ang iba sa mga kasamahan nito.

Nagsasagawa na nga­yon ng hot pursuit operations ang pinagsanib na elemento ng pulisya at militar laban sa grupo ng mga kidnaper na responsable sa insidente.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

BANDANG

BARANGAY STA

CAPTAIN ROWENA MUYUELA

ISABELA CITY

MALAMAWI ISLAND

RAMON SANSON

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with