^

Probinsiya

Kotse vs truck: Seaman, 4 pa patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa lima-katao kabilang ang isang balikbayang seaman ang namatay makaraang mag­banggaan ang kotse at kasalubong na prime mover truck na may hilang  trailer  sa kahabaan ng South Coastal Road sa Cebu City kamakalawa ng madaling araw.

Kabilang sa mga na­matay ay sina Rustico Bas, 48, seaman; Oscar Oneo, Rosete Capala, 45; Alma Basalo, at pinsan nitong si Gwendolyn Basalo na pawang 20-anyos.

Sa ulat ng Cebu City Traffic Operations Ma­nagement, ang mga biktimang lulan ng kotseng may plakang 7AT-138 756 ay patungong Talisay City mula sa Cebu City nang makasalpukan ang prime mover na may hilang trailer (GDG 400) dakong alas-3:44 ng madaling araw.

Nabatid na si Bas ay kababalik lamang sa Cebu City noong nakalipas na linggo mula sa Estados Unidos.

Napag-alamang dadal­hin sana ng prime mover na minamaneho ni Danilo Cojo ang kargamentong 700 sako ng semento sa Cebu City mula sa Naga City nang maganap ang trahedya.

Sa imbestigasyon ng pulisya, hindi napansin ni Cojo ang paparating na kotse ng mga biktima kaya nasalpok nito kung saan nakaladkad pa ng 92 metro ang kotse ng mga biktima.

Bagsak kalaboso naman si Cojo na ngayon ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide.

vuukle comment

ALMA BASALO

CEBU CITY

CEBU CITY TRAFFIC OPERATIONS MA

CITY

COJO

DANILO COJO

ESTADOS UNIDOS

GWENDOLYN BASALO

NAGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with