^

Probinsiya

Cement mixer sinunog ng NPA

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang sinabotahe ng mga rebeldeng New People’s Army matapos nitong sunugin ang cement mixer at saku-sakong semento kamakalawa ng hapon sa Purok 3, Barangay Tamisan sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte.

Base sa ulat na nakara­ting sa Camp Simeon Ola sa Legazpi City, sinunog ng mga rebelde ang nakaparadang cement mixer na ginagamit sa proyekto ng local na pamahalaan at maging ang saku-sakong semento ay ikinalat sa kaslada upang hindi na mapakinabangan.

Maging ang susi ng isang truck na nakaparada sa lugar na gamit din sa proyekto ay kinuha ng NPA rebs kung saan hindi naman sinaktan ang katiwala ng sasakyan.

Kaagad na tumakas ang mga rebelde patunggo sa direksyon ng Sitio Pinagkaisahan sa Barangay Sta. Cruz.

Pinaniniwalaang tu­mang­ging magbigay ng revolutionary tax sa NPA rebs ang may-ari ng sasakyan kaya isinagawa ang pananabotahe.

vuukle comment

AABOT

BARANGAY STA

BARANGAY TAMISAN

CAMARINES NORTE

CAMP SIMEON OLA

JOSE PANGANIBAN

LEGAZPI CITY

NEW PEOPLE

SITIO PINAGKAISAHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with