^

Probinsiya

P50-M ‘damo’ nasamsam

Raymund Caindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Umaabot sa P50 mil­yong halaga ng marijuana ang nasamsam ng mga operatiba ng pulis­ya sa isinagawang operasyon sa dalawang plantasyon sa kabundukan ng Mount Saleng at Mount Kinbetngaw sa Barangay Banga, bayan ng Sugpon, Ilocos Sur kamakalawa. Sa ulat na nakarating kay P/Insp. Jade Macaraeg, hepe ng Sugpon PNP, kabilang sa nasamsam ay ang 248,500 pirasong puno ng marijuana, sampung kilong binhi, at 100 kilong pinatuyong dahon na natagpuan sa plantasyon. Gayon pa man, walang naabutang cultivator ang pulisya matapos makatunog sa pagsalakay ng mga awtoridad. Samantala, arestado naman ang suspek na si Baltazar Bautista matapos makumpiskahan ng apat na puno ng marijuana sa Barangay Sta. Clara sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.

vuukle comment

BALTAZAR BAUTISTA

BARANGAY BANGA

BARANGAY STA

CLARA

GAYON

ILOCOS SUR

JADE MACARAEG

MOUNT KINBETNGAW

MOUNT SALENG

SUGPON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with