^

Probinsiya

Bangkay ng lalaki isinako

Pilipino Star Ngayon

SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines – Isang naaagnas na bangkay ng isang lalaki na nasa sako ang natagpuang palutang-lutang sa Magat River sa Barangay Baretbet, bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya kamakalawa ng hapon. Ayon kay P/Chief Insp. Claveria Villegas, hepe ng Bagabag PNP, ang bangkay ay natagpuan ng magkapatid na Ringor dakong ala-1 ng hapon. Sa pag-aakalang basura ang nasa sako ay dinala sa pampang habang na­ngingisda ang mag-utol subalit nang buksan ay lumantad ang naagnas na bangkay ng  lalaki. Tinatayang nasa 30 hanggang 40 ang edad ng biktima na may taas na 5’7” at walang anumang saplot sa katawan. Kahapon ay agad na inilibing ang biktima dahil sa masangsang na amoy kung saan naniniwala ang pulisya na pinatay sa ibang lugar ang biktima saka itinapon sa nasabing lugar upang iligaw ang imbestigasyon. Victor Martin

vuukle comment

AYON

BAGABAG

BARANGAY BARETBET

CHIEF INSP

CLAVERIA VILLEGAS

ISANG

MAGAT RIVER

NUEVA VIZCAYA

VICTOR MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with