^

Probinsiya

Shootout: 2 Termite Gang patay

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Dalawang miyembro ng notoryus na Termite Gang ang na­paslang matapos kumasa sa mga operatiba ng pulis­ya sa naganap na shootout sa Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Sa police report na isinumite kay P/Supt. Rommel Estolano, hepe ng Bacoor City PNP, kasalukuyan pang bineberipika ang pagkakakilanlan sa dalawang napatay.

Binansagang Termite Gang ang dalawa dahil ang modus operandi ng mga ito ay maghukay ng lagusan patungo sa target na pagnakawang mga establisyemento tulad ng mga pawnshop, money changer at mga banko.

Bandang alas-11:30 ng gabi nang maispatan ng mga nagpapatrulyang PNP na lulan ng mobile patrol car ang dalawa habang nakatayo at kahina-hinalang kilos sa bakanteng lote sa gasolinahan at sa sangay ng banko sa Barangay Habay 2.

Tinangkang sitahin ng mga awtoridad ang dalawa subalit naunang nagpaputok ng baril na nauwi sa shootout hanggang sa bumulagta ang dalawa.

Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang cal. 38 revolver at cal. 45 pistol, mga gamit sa pag­huhukay at bolt cutter.

Pinaniniwalaang sangkot ang dalawa sa panloloob sa isa ring banko na natangayan ng P1.5 milyon noong Disyembre 29, 2014.

vuukle comment

BACOOR CITY

BANDANG

BARANGAY HABAY

BINANSAGANG TERMITE GANG

CAVITE

DALAWANG

ROMMEL ESTOLANO

TERMITE GANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with