^

Probinsiya

Mangingisdang problemado, nag-suicide

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Winakasan ng 46-anyos na mangingisda ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason makaraang hindi na matagalan ang problema sa kanilang pamilya sa Barangay Bacong Ilaya, bayan ng General Luna, Quezon kamakalawa ng umaga. Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga ay humingi ng inuming tubig ang biktimang si Orlando Cabaldo sa kanyang 13-anyos na anak na babae. Gayon pa man, ilang minuto ang nakalipas ay namataan ang biktima na bumubula ang bibig kaya isinugod sa ospital. Lumilitaw na bago maganap ang insidente, ilang araw na umanong nakitang malungkot ang biktima dahil sa hindi maresolbang problemang pampamilya at nagtangka na rin umano itong magpatiwakal subalit napigilan lamang. Hinihinala ng pulisya na tabletang nakalalason ang inihalo ng biktima sa kanyang hininging tubig-inumin upang hindi mapigilan ang muli niyang pagpapatiwakal.

vuukle comment

BARANGAY BACONG ILAYA

BIKTIMA

GAYON

GENERAL LUNA

HINIHINALA

LUMILITAW

ORLANDO CABALDO

QUEZON

WINAKASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with