^

Probinsiya

Obrero itinumba dahil sa droga

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 47-anyos na obrero habang sugatan naman ang kasama nitong babae matapos na pagbabarilin ng tatlong kalalakihan bahagi ng Barangay Calvario, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Labing-isang bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Reynaldo Mendoza habang naisugod naman sa ospital ang sugatang babae na itinago lamang sa pa­ngalang Jamaica na kapwa nakatira sa Barangay Bayugo. Tinutugis na ng mga operatiba ng pulisya ang mga suspek na sina Salemar Salo, 30; Maichael Sarif, at si Saidamin Lamondot, mga nakatira sa Northville 3, Barangay Bayugo. Ayon kay SPO1 Willie Tadeo, magkasamang naglalakad ang dalawa nang lapitan at pagbabarilin ng mga suspek pagsapit sa bisinidad ng F. Dazo Street sa nasabing barangay. Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa onsehan sa shabu ang motibo sa krimen.

vuukle comment

BARANGAY BAYUGO

BARANGAY CALVARIO

DAZO STREET

MAICHAEL SARIF

MEYCAUAYAN CITY

REYNALDO MENDOZA

SAIDAMIN LAMONDOT

SALEMAR SALO

WILLIE TADEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with