^

Probinsiya

CIDT agent, itinumba

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Pinabulagta ang 39-anyos na confidential agent ng Criminal Investigation and Detection Team matapos itong pagbabarilin ng mga  di-kilalang lalaki na lulan ng dalawang motorsiklo sa madilim na bahagi ng Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si Joel Lim ng Barangay Bulihan at dating miyembro ng Task Force Matang Lawin sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO1 Johnson Morecho, pauwi na ang biktimang lulan ng motorsiklo mula sa himpilan ng pulisya nang sundan ng apat na kalalakihang lulan ng dalawang motorsiklo sa kahabaan ng Blas Ople Diversion Road.

Kaagad na pinaputukan ang biktima kung saan nagawa pa nitong makipagbarilan subalit sumemplang dahil sa ilang tama ng bala ng baril.

Sinigurong hindi na mabubuhay kaya muling pinagbabaril ang biktimang duguang nakabulagta sa highway.

Narekober ang 40 basyo ng bala mula sa FN-101 machine pistol habang tinangay naman ng gunmen ang cal. 45 pistol ng biktima.

vuukle comment

BARANGAY BULIHAN

BLAS OPLE DIVERSION ROAD

BULACAN

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION TEAM

JOEL LIM

JOHNSON MORECHO

KAAGAD

MALOLOS CITY

NAPURUHAN

TASK FORCE MATANG LAWIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with