^

Probinsiya

Retiradong forest ranger, itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta ang 59-anyos na retiradong fo­rest ranger ng Department of the Environment and Natural Resources (DENR) matapos pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa pintuan ng kanyang bahay sa Sitio Papaya, Barangay Remus sa bayan ng Baggao, Cagayan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Romar Pacis, hepe ng Baggao PNP, matagal nang nakatatanggap ng pagbabanta sa buhay ang biktimang si Sonny Guillermo kaugnay sa alitan sa lupa sa Barangay Alba.

Nabatid na nanonood ng teleserye ang biktima kasama ang kanyang pamilya sa sala ng bahay nang kumatok ang dalawang armadong lalaki dakong alas-6 ng gabi. Pinagbuksan naman ng pintuan subalit niratrat kaagad ang biktima.

Hindi naman idinamay ang pamilya ng biktima kung saan napatulala sa naganap na pamamaslang habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

BAGGAO

BARANGAY ALBA

BARANGAY REMUS

CHIEF INSP

DEPARTMENT OF THE ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

NABATID

ROMAR PACIS

SITIO PAPAYA

SONNY GUILLERMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with