^

Probinsiya

Anti-drug agent, itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang isang anti-drug agent ng pulisya makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Dos, La Carlota City, Negros Occidental kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng mga tama ng bala ng M16 rifle sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si PO2 John Gallenero Jr. Sa ulat na isinumite kay P/Senior Supt. Milko Lirazan na nakarating sa Camp Came, naka-duty si PO2 Gallenero nang pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki na lulan ng kotse. Nabigo namang makaganti ng putok ang biktima na nakatalikod nang lapitan at ratratin. Nabatid na ang biktima ay bihasa sa anti-drug campaign sa La Carlota City na pinaniniwalaang niresbakan siya ng sindikato. Narekober sa crime scene ang cal. 45 pistol na may dalawang magazine na pag-aari ng biktima.

vuukle comment

BARANGAY DOS

CAMP CAME

GALLENERO

JOHN GALLENERO JR. SA

LA CARLOTA CITY

MILKO LIRAZAN

NABATID

NABIGO

NAGTAMO

NEGROS OCCIDENTAL

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with