^

Probinsiya

Bata ni vice niratrat

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines – Patay ang isang tauhan ng vice mayor matapos siyang pagbabarilin ng mga di-nakikila­lang suspek habang abala sa pangunguha ng bunga ng niyog sa lupain ng kanyang ama kamakalawa ng umaga sa Brgy. Casini, Irosin, Sorsogon. Hindi na umabot pa ng buhay sa Sorsogon Provincial Hospital si Roberto Mondejar, 39, may-asawa, isang manggagawa at residente ng naturang lugar. Dakong alas-11:05 ng umaga habang ang biktima ay abala sa pangunguha ng bunga ng niyog sa lupain ng pag-aari ng pamilya ni Vice Mayor na si Alfredo P. Cielo nang biglang duma­ting ang ‘di kilalang mga suspek na armado ng kal. 45 pistola at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ang biktima sa ulo at katawan. Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga salarin.

vuukle comment

ALFREDO P

BRGY

CIELO

DAKONG

IROSIN

MATAPOS

ROBERTO MONDEJAR

SORSOGON PROVINCIAL HOSPITAL

VICE MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with